ALAB SPCian UNANG LATHALA

🔥 ALAB SPCian: Maalab na paglilingkod, pagkalingang marubdob. 🔥

Ipinakikilala ang ALAB SPCian, ang bagong buwanang lathala ng San Pablo Colleges na naglalayong ipakita, ipagdiwang, at palawakin ang ating mga gawaing pang-komunidad at serbisyo sa kapwa.

Ang ALAB SPCian ay nangangahulugang “Aksyon. Lingap. Aruga. Bayanihan.” Sa pamamagitan ng ALAB SPCian, masisilayan natin kung paano sama-samang kumikilos ang bawat SPCian upang magsilbi, mag-alaga sa kapwa, at magtaguyod ng pagbabago sa ating komunidad at kapaligiran. Layunin nitong:

🌱 I-highlight ang mga programa at proyekto na may positibong epekto sa lipunan at kalikasan

💡 Palakasin ang kamalayan at partisipasyon ng bawat isa sa SDGs at sustainable development

🤝 Magbigay ng inspirasyon at modelo ng pagtutulungan, pagmamalasakit, at responsableng aksyon

Ang maiden issue noong Nobyembre ay tampok ang:

🌿 NEXUStainability – Hakbang tungo sa greener SPC

💡 Green Shift – Inisyatibo para sa sustainable practices

📘 SPC–DepEd Las Piñas Partnership – pagpapaigting ng kasanayan sa pagbasa

🏫 DREAMS Day Care – Paghubog sa mga batang may pangarap

Masdan at tuklasin ang kwento ng bayanihan, serbisyo, at sustainability, na tunay na puso ng bawat SPCian. 💚💛

�#ALABSPCian #AksonLingapArugaBayanihan #SPCCommunityService #SDGInAction #REPOwerUpforGlobalReach

ALAB SPCian IKALAWANG LATHALA

🔥 ALAB SPCian: Maalab na paglilingkod, pagkalingang marubdob. 🔥

Ipinagpapatuloy ng ALAB SPCian, ang buwanang lathala ng San Pablo Colleges, ang pagbibigay-liwanag sa mga kwento ng serbisyo, bayanihan, at malasakit—lalo na sa panahong ito ng Kapaskuhan.

Ang DISYEMBRE 2025 | IKALAWANG LATHALA ng ALAB SPCian ay tampok ang:

🤍 Outreach Activity ng Spirit of Love Catholic Charismatic Community – naghatid ng pagmamahal, malasakit, at serbisyo sa komunidad

🎄 Project C.A.R.O.L – Handog-pasasalamat ng Senior High School ngayong Pasko

📚 Pagbibigay-Panayam sa Kwalitatibong Pananaliksik sa LPU–Cavite – Pagbabahagi ng kaalaman lampas sa hangganan ng kampus

🎁 DREAMS Gift-Giving Activities – Pagbabahagi ng biyaya at puso ng isang nagmamalasakit na pamayanan

Basahin at damhin ang diwa ng pag-ibig, pagbabahagi, at paglilingkod na tunay na nagbibigay-buhay sa ALAB SPCian—sapagkat ngayong Pasko, mas mainit ang alab kapag sama-sama. 💚💛

#ALABSPCian #AksyonLingapArugaBayanihan #SPCCommunityService #PaskoNgPagmamalasakit #REPOwerUpforGlobalReach

ALAB SPCian IKALONG LATHALA

🔥 ALAB SPCian: Maalab na paglilingkod, pagkalingang marubdob 🔥

Sa ikatlong yugto ng lathalaing ito, inilalahad ng ALAB SPCian, ang buwanang lathala ng San Pablo Colleges, ang pagtatampok sa mga kwento ng makabuluhang serbisyo, kaalaman, at pakikipagkapwa, na nagpapakita ng aktibong papel ng institusyon sa pagpapaunlad ng komunidad at paghuhubog ng makataong mamamayan.

Ang ENERO 2026 | IKATLONG LATHALA ng ALAB SPCian ay tampok ang:

🌾 HARVEST Program sa San Pablo Colleges – Isang inisyatiba para suportahan ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng community market, career guidance sa agrikultura, at pamamahagi ng agricultural supplies bilang hakbang tungo sa sustainable agriculture at community development

🤝 SPC bilang Katuwang ng Philippine Red Cross – Aktibong suporta ng San Pablo Colleges sa Youth Volunteer Orientation Course (YVOC), sa pangunguna ng Red Cross Youth Services, bilang pagpapatibay ng diwa ng bolunterismo at makataong paglilingkod ng kabataang SPC

🧠 Espesyal na Lathalain: Psychological Safe Space Seminar – Isang makabuluhang talakayan hinggil sa psychological safety, pinangunahan ng Graduate School at ng mga mag-aaral ng Master of Arts in Counseling, na naglalayong lumikha ng ligtas, inklusibo, at suportibong kapaligiran sa paaralan at komunidad

🍬 Pastillas Making Workshop sa Barangay San Francisco – Naghatid ng kaalaman, kabuhayan, at pag-asa sa kababaihan at kabataan ng komunidad sa pamamagitan ng praktikal na pagsasanay sa paggawa ng pastillas

Basahin at alamin kung paano patuloy na isinasabuhay ng bawat SPCian ang diwa ng paglilingkod, malasakit, at pananagutan—sapagkat sa ALAB SPCian, ang alab ng pagbabago ay nagsisimula sa sama-samang pagkilos. 💚💛

#ALABSPCian

#MaalabNaPaglilingkod

#SPCCommunityExtension

#SustainableCommunities

#VolunteerismInAction

#REPOwerUpforGlobalReach

ALAB SPCian IKAAPAT NA LATHALA

ALAB SPCian: Maalab na paglilingkod, pagkalingang marubdob 🔥

Sa ikaapat na yugto ng lathalaing ito, patuloy na itinatampok ng ALAB SPCian, ang buwanang lathala ng San Pablo Colleges, ang mga kuwento ng pakikipag-ugnayan, malasakit, at kolektibong pagkilos tungo sa mas makabuluhang pagbabago sa komunidad.

Ang PEBRERO 2026 | IKAAPAT NA LATHALA ng ALAB SPCian ay tampok ang:

📚 Project GABAY – Nagkaisa ang SPC College of Education, CYL, at Fule Almeda Elementary School upang maghatid ng gabay at suporta sa pagkatuto ng mga mag-aaral, bilang ambag sa pagpapalakas ng batayang edukasyon at community partnership

🌱 Kabataan at Komunidad – Sama-samang hakbang ng iba’t ibang sektor tungo sa positibong pagbabago, na nagbibigay-diin sa aktibong papel ng kabataan bilang katuwang sa paghubog ng mas maunlad at inklusibong lipunan

Tuklasin kung paano patuloy na pinaaalab ng bawat SPCian ang diwa ng aksyon, lingap, aruga, at bayanihan—sapagkat sa ALAB SPCian, ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa sama-samang pagkilos. 💚💛

#ALABSPCian

#MaalabNaPaglilingkod

#SPCCommunityExtension

#KabataanParaSaKomunidad

#SustainableCommunities

#REPOwerUpforGlobalReach

ALAB SPCian IKALIMANG LATHALA

🔥 ALAB SPCian: Maalab na paglilingkod, pagkalingang marubdob 🔥

Sa ikalimang yugto ng lathalaing ito, patuloy na ipinakikita ng ALAB SPCian kung paano nagiging daan ang edukasyon, malasakit, at pakikipagtulungan sa paghubog ng mga buhay at pagbibigay ng pag-asa sa komunidad.

Ang MARSO–MAYO 2026 | IKALIMANG LATHALA ng ALAB SPCian ay naglalaman ng:

👨‍👩‍👧‍👦 Pagtutulungan ng Komunidad at Paaralan, Tampok sa Parent-Teacher Training – Matagumpay na nagtapos ang Parent-Teacher Training Program ng DREAMS Free Daycare Program ng SPC College of Education, na nagbigay-kakayahan sa mga magulang bilang katuwang sa pagkatuto ng mga bata.

🔬 Seminar sa Pananaliksik: Nagsulong ng Malikhaing Iskolarship sa mga Edukador – Isinagawa ang Research Capability Building Seminar na nagpaigting sa kakayahan ng mga guro at mananaliksik sa malikhaing iskolarship sa pamamagitan ng integrasyon ng sining, panitikan, at inobasyon.

🤝 SPC Naglunsad ng Donation Drive para sa mga Biktima ng Sunog sa Brgy. 2C – Naglunsad ang San Pablo Colleges ng donation drive na nakalikom ng tulong pinansyal at in-kind donations para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. 2C.

🏥 MAN Fellows Nagsagawa ng Seminar sa Leadership, Ethics, at Legal Practice sa Nursing – Nagsagawa ang MAN Fellows ng seminar upang palawakin ang kaalaman ng mga nars at mag-aaral sa legal-etikal na praktis, conflict management, at strategic leadership sa nursing.

📚 Seminar sa Pilosopiya ng Edukasyon: Inihanda ang mga Mag-aaral sa Propesyon ng Pagtuturo – Isinagawa ang seminar para sa mga mag-aaral ng CTE upang palalimin ang kanilang pag-unawa sa pilosopikal na pundasyon ng edukasyon at ihanda sila sa makabuluhang pagtuturo.

🎓 Mas Matibay na Pangarap, Mas Maliwanag na Kinabukasan – Ipinagdiwang ng DREAMS Free Daycare Program ang matagumpay na paglilipat-antas ng 39 na batang mag-aaral bilang simbolo ng pag-asa at kapangyarihan ng edukasyon.

Tunghayan kung paanong patuloy na pinasisiklab ng bawat SPCian ang diwa ng aksyon, lingap, aruga, at bayanihan—sapagkat sa ALAB SPCian, ang bawat pagkakataong maabot ang isang komunidad ay nagiging binhi ng pag-asa at pagbabago. 💚💛

#ALABSPCian

#MaalabNaPaglilingkod

#DREAMSOutreachProgram

#CommunityExtension

#EducationForAll

#REPOwerUpforGlobalReach

ALAB SPCian IKAANIM NA LATHALA

🔥 ALAB SPCian: Maalab na paglilingkod, pagkalingang marubdob 🔥

Sa ikaanim na lathala ng ALAB SPCian | HUNYO–OKTUBRE 2026, tampok ang walong kuwentong sumasalamin sa malasakit, kalusugan, edukasyon, at bayanihan ng mga SPCian:

* GRS ALIVE! – Pagpupugay sa mga guro at pagsusulong ng health and wellness

* Heart and Stroke Awareness – Seminar sa pag-iwas at rehabilitasyon ng sakit sa puso at stroke

* Ngiting May Kinabukasan – Adbokasiya ng mga kandidato ng Ginoo at Binibining Junior High School 2026

* Aklat Mo, Bukas Ko – Paglilingkod sa pamayanan sa pamamagitan ng pagbabasa

* Mental Health Awareness Month 2026 – Pagsusulong ng ligtas na kapaligiran at malusog na isipan

* DREAMS Free Daycare Program – Patuloy na serbisyong pang-edukasyon para sa mga bata

* Community Outreach sa Pinagpala Children’s Home – Pagkatuto at paglilingkod na lagpas sa apat na sulok ng silid-aralan

* Project GABAY: Sa Bawat Pantig, May Pag-asa – Paggabay sa mga bata tungo sa mas matatag na pundasyon sa pagbasa at pagbilang

Sa bawat aklat na binubuksan, ngiting pinasisigla, at buhay na naaabot, patuloy na nag-aalab ang diwa ng Akson. Lingap. Aruga. Bayanihan. 🔥

#ALABSPCian #CommunityExtension #HealthAndWellness #EducationForAll #Bayanihan #SDGs #REPOwerUpforGlobalReach

Social Media
Learn More
Address

Hermanos Belen St., Barangay 3A,
San Pablo City, Laguna, 4000